Tuesday, September 2, 2008

Field Trip

“Anong oras na? nakuuu!! patay na!” ang nagmamadaling sabi ni Isagani sa kanyang ina.
“Field trip pa naman namin ngayon! nakuuuu!!!”
Tarantang taranta siya sa paghahanda para sa eskwelahan. Kinuha niya ang kanyang mga gamit na inihanda dalawang linggo na ang nakakaraan sa sobrang paga eksayt sa paparating na field trip ngayon.
Dali-dali siyang naligo at nagbihis para makaabot sa usapang oras na magkiita sa paaralan. Hindi na siya nakakakain ng umagahan dahil wala na ring oras para gawin niya iyon. Di na niya magawang kausapin ang mga tao sa paligid niya habang naghahanda sa pagpasok.

“Nay, tay, aalis na po ako.” Ang nagmamadaling sabi ni Isagani sa kanyang magulang habang nagmamano.

“Sa...” ang sabi ng kanyang ina. Di na niya natuloy ang kanyang sinasabi dahil nagmamadali siyang tumakbo papalabas ng bahay.

Tinakbo na ni Isagani ang paglabas niya sa bahay at dumiretso na sa kanto ng eskinita kung saan hahanap siya ng masasakyang tricycle. Di na niya nagawang intindihin pa ang sinabi ng kanyang nanay.

“Dali.. Ang tagal naman..” ang inip na inip na sabi ni isagani dahil mahuhuli na siya sa field trip nila.

Tago kasi ang kanilang lugar. Malayo sa mismong kalsada kaya't gustuhin man niyang lakarin na lamang ito ay di nya magawa dahil mas matagal ang makokonsumong oras niya sa paglalakad papalabas ng kanilang lugar.

Maya- maya lamang ay may nakita nang tricycle si Isagani. Saktong sakto lamang dahil isa na lamang ang upuan na natitira sa likod ng tsuper ng tricycle. “Sa palengke po” ang dali daling sabi ni Isagani sa tsuper habang sumasakay sa sasakyan.

Di pa nakakalayo ang tricycle ay may naamoy si Isagani na hindi kanais nais.
“Kaya pala itong pwesto na lang ng tricycle ang walang umuupo kanina.” Ang sabi ni Isagani sa kanyang sarili.
Amoy araw at pawis na natuyo at tila ayaw kalimutan ang bakas ng kahapon kaya't hindi naligo ang nagmamaneho ng sinasakyan niya. Ang masaklap pa sa pangyayaring iyos ay nasa likod siya nito at ang direksyon ng hangin ay papalikod kaya't di nya magawang iwasan ang gumuguhit sa ilang na amoy ng mamang ito.

Tiniis na lamang ni Isagani ang masaklap na kapalaran niya kayat kinuha na lamang niya ang kanyang panyo at tinakluban ang kanyang ilong hanggang sa makarating siya sa palengke kung saan sasakay naman siya ng jeep papunta ng paaralan.

Makalipas ang ilang minuto ng hirap na paghinga ay nakarating narin siya sa sakayan ng jeep. Binayaran na niya nag pamasahe at nagmamadali siyang humabol sa papaalis ng sasakyan patungo ng kanyang paaralan. Maswerte siya sa pagkakataon na ito dahil maayos naman ang jeep na nasakyan niya.
“Sa Maligaya po.” ang saad ni Isagani habang inaabot ang kanyang bayad.
Maligaya ang pangalan ng paaralang pinapasukan niyang paaralan. Taliwas ito sa nararamdaman ng mga studyante habang sila ay nagkaklase sa masikip na silid.
Ang mga palikuran na mano mano ang flush, na halos di na magamit dahil sa mapang-akit na halimuyak na ibinibigay nito kahit dadaan ka lamang sa harapan ng palikuran.
nakakaawa kung tutuusin ang mga bata subalit sa tagal na nilang pumapasok dito ay nagagawa narin nila itong tiisin pa.

Biglang nakaramdam ng pagkaanotk itong si Isagani kayat naisipan niyang matulog muna ng kaunting oras. Alam niyang hindi siya lalampas dahil lahat naman ng jeep sa kanilang lugar ay tumitigil sa tapat ng paaralan tuwing dadaan sila roon.

Lumampas! patay na..tulog parin si Isagani.. Ginising siya ng kanyang katabi at sinabing nakalampas na sa kanyang paaralan ang jeep. Pinara ni Isagani ang jeep at bumaba ito agad.

“Maglalakad nanaman ako. Kailangan ko ng bilisan!”

Nagtataka si Isagani kung bakit sa dinami-dami naman ng jeep s kanilang lugar, iyong jeep na lamang na iyon ang bukod tanging hindi huminto sa paaralan.

Pinalampas na lamang niya ito at hihingal-hingal siyang naglakad patungo sa kanyang paaralan. Nang makarating siya sa paaralan, tahimik na rito at alam ni Isagani na nahuli na siya sa usapang oras. Naiwan na siya ng sasakyan. Pumasok na siya sa loob ng paaralan at dumiretso sa silid aralan nila.

“walang tao...” saad ni Isagani. Hinanap niya ang kanyang mga kamag-aral subalit di niya sila makita. Papaiyak na siya sapagkat matagal niyang pinaghandaan ang araw na iyon. Di niya lubos maisip kung bakit siya iniwan ng sasakyan at ng mga kalase niya.

“Patay sakin ung mga yun! iniwan ako!” ang paasar at paiyak na bulong ni Isagani.

Maya-maya lamang ay nakasalubong niya ang isang guro na ngingiti-ngiti sa kanya.

“Iho, bakit ka umiiyak?” ang sabi ng guro.

Di umiimik si Isagani kaya't nagsalita muli ang guro nila.

“Bakit ka nga pala naandito ngayon?”

“Naiwan po ako ng sasakyan.. di nila ako hinintay..” ang himihikbing sabi ni Isagani sa kanya.

“Naiwan? Bakit? Saan ba kayo papunta ngayon?”

“Field trip po kasi namin ngayon. Tinanghali ako ng gising kaya po hindi na ako nakaabot sa usapan naming oras.”
Natawa ang guro sa sinabi ni Isagani.

“Iho, Sabado pa lamang ngayon. Sa Lunes pa iyon di ba?” di ka ba nasabihan ng magulang mo na Sabado ngayon?”

Bigla ni Isagani naalala na may sinasabi nga pala ang nanay niya sa kanya habang siya ay nagmamano at nagpapapalam sa kanyang mga magulang.

“Ayun pala po ang sinasabi ng nanay ko sa akin kanina...” and sabi ni Isagani.

by: Patricia V. Aquino

Blank Perfection

i'm staring at you now
please tell me we're okay
i'm not saying that we should end this
and if it will, please not in this way

we both know we're wrong
but why does it have to be like this?

i hate it when we fight
i hate it when you cry
i hate the words that leads to goodbye
we both know we're inlove
and we both feel the same
and no matter how we try
all we have is but a blank perfection

maybe it's the reason
why we got along so fast
we're both aware of our imperfections
and we know that we're not the same

we both know we're wrong
will this be last of our endless fight?

by: Patricia V. Aquino

Saturday, August 23, 2008

Heaven's Waiting

i'm listening to every breath
can you hang on for me?
will you leave me this easy?
if i could just cheat death
for you to stay with me..

hold on, just hold on
don't leave me this way

i would take you
to the places that we've never been
i would do anything
just to keep you with me
i won't let you go this easy
nor let Him take you away from me
but if heaven's really waiting for you
could i just steal a minute?
and be with you till your last breath


*the composition is about a guy who's girlfriend is dying.

it just popped up into my mind that's why i made a composition about it.


by: Patricia V. Aquino

Friday, August 22, 2008

Blush-On

For Our AB Communication blockmates

BLUSH-ON
by Patricia Aquino,Patricia Abrihan,Djanine Antiporda & Dyren Dungca

verse I
unang araw ng eskwela
walang klasrum, hiwa-hiwalay pa
lahat natataranta
saan na kmi ppnta?

masakit na ang mga paa
sa kakaakyat-baba
naglilibot, nahihilo, di makita

CHORUS
sa aklatan nagsimula
ang pagbubuo ng barkada
knya-knyang tipon at porma
lahat nakikipgkilala

ngunit tila nakapagtataka
bakit hindi "raw" ngkakaisa?
klase'y nahati sa 2
na ngcmula lmng sa hiya

VERSE II
pnagdikit-dkit ang lamesa
sa cafeteria t'wing kakain na
nghhnap ng ginto
bgo isubo ang kutsara

BRIDGE
ngunit aming p22nayan
lahat ay mgkkaibign
mgkkptid ang 2ringan
sa nbubuong samhan

ENDING
nung una akala nila
di na mgkksundo pa
ngunit npgtanto namin na
"blush-on" lng pla ang pgkakaiba

Hiram Na Buhay

HIRAM NA BUHAY
by: Patricia V. Aquino

I
bkt ganito, bkt ganyan?
sinong may gawa at ano ang dahilan?
ang bansang puno ng mga katanungan,
ano na nga ba ang kalagayan?

II
sino ang ating sinisisi
sa mga problemang dumarating?
tanungin mo nga ang 'yong sarili,
gubyerno lang ba ang tiwali?

CHORUS
dito sa ating hiram na buhay
lahat tayo'y pantay-pantay
sa bawat isa nakasalalay
upang matamasa ang tagumpay

III
ano ba ang nararapat,
kung 'san ang nag iisa ay hindi sapat?
bakit hindi mo ko tulungan
na sagipin ang lahat sa kahirapan?

IV(bridge)
alam kong hiram lamang 'tong buhay
bkt pa tyo magsasayang ng oras?
kaya't sa bansang tila isang pilay
tayong lahat ang magsisilbing saklay

Paano Ang Bukas

I
isigaw mo sa mundo
sabihin ang nais mo
kung nais mong tumakbo
sige, sabay na tayo

II
iwanan mo muna ang problema
kung gusto mo tutulungan kita
sarili'y palayain pansamantala
nang maramdaman ang pagiging malaya

CHORUS
wag isipn kung paano ang bukas
asahan mong adito lang ako
di mo kailangang mangamba
sabay tayong maglalakbay
dito sa mundong puno ng surpresa

III
sa lubid mo itali
mga problema mo at pighati
ako ang magiging saksi
sa pagpapalaya ng iyong sarili

BRIDGE
wag kang matakot, kasama mo ako
sabay tayong tatakbo, ako'y asahan mo.

Wednesday, August 20, 2008

radom.

new people. hihi^^,

yeah, i met a lot(for me) of people this day. it's kind of weird because im not usually as sociable as what i am this day. Maybe it's just myself trying to overcome my timidness..
good for me! i made a step forward!^^,

4 kids. 1 co-student. and a guy at the bus station.

**it was fun seeing those kids smile when i talk to them. It was a good thing that i didn't go home this afternoon because if i did, i would not be able to experience the things that i had in this day.

**i enjoyed listening to the story of my co-student while we were waiting for the time to go home. haha..

**the guy at the bus terminal made me scared for a while, while he's talking to me.. well.. i smiled.... and i guess he's just fond of talking to other people to entertain himself. But the feeling of me being scared to him is really inevitable. cause like what i've said a while ago, i'm a timid person and the only place where i can talk, talk, and talk is in this blog.
^^

well.. it's getting late. i'm tired and we still have classes tomorrow. nightie-night! take care and God Bless!^^,