“Walang Himala! Ughem, Ughem!” ang pasigaw, sabay ubo na sabi ng lola ni Tasyo na tila wiling-wili sa panonood ng sinaunang palabas sa telebisyon.
“Tasyo! Abutan mo nga ako ng isang basong tubig! Ughem, ughem!” Ang halos di na makahingang utos ng matanda sa kanyang apo.
“Ang sabi ko nmn po kasi sa inyo na wag na masyadong magkakakanta sa tuwing makikinig kayo sa radyo. Lalo na yang mga kanta ng chicosci! aba inang! di na ho kayo bumabata.. kaya wag na ho kayo masyadong kumanta ng mga rock na kanta!” ang nagmamadaling sabi ni tasyo sa kanyang lola na patuloy parin sa panonood ng palabas ng paborito nyang artista.
Isang oras na ang nakalipas sa panonood ni lola. Matatapos na ang palabas ng bigla na nya lang pinatay ang telebisyon. Tinawag nya si Tasyo at pinaupo sa kanyang tabi. Si Tasyo ay magsasampung taong gulang pa lamang ngunit malalim na ang pagiisip. Marahil ay dulot narin ito ng pagiging malapit sa kanyang lola. Maliit, payat at maputi. Kaya naman nagkasya siya sa maliit na espasyo sa upuan..
“Kailan po ba ang uwi ng mga magulang ko?”
“Mukang matatagalan pa apo.. Sabi kc sa akin sa text kaninag umaga eh sa isang linggo pa ang uwi nila mula sa maynila. Di pa raw gaanong nauubos binebenta nilang walis kaya hindi sila makauwi agad.”
Malungkot ang naging mukha ni tasyo ng malaman niya ang balita ng kanyang inang. Subalit nagulat siya ng iabot ng lola niya ang basong binigay nya kanina na wala naman halos nabawas sa laman.
“Bakit hindi nyo ho ininom yung tubig?”
“Uminom ako,.. Kaso sana kinuha mo iyong tubig na nasa “prigider”.”
“Pasensya na ho.. Nagmamadali lng tlga ako kanina kaya sa gripo ko nlng kinuha ang tubig.”
“Ay siya, ok laang iyon apo.. Ang mahalaga eh nakainom ako agad.. Salamat”
Biglang napansin ni Tasyo na ang basong ginagamit ng lola nya ay kakaiba sa lahat ng mga basong nakita nya.. pulang pula ito.. at maliit ang bibig ng inuman... “Inang, saan nyo po nabili ang baso na yan?” Tanong ni Tasyo. “ito ba?” Sabay ngiti ng matanda. “Aba, pamana pa ito sa akin ng mga magulang ko. Sabi nila eh may kakaibang hiwaga daw iyon. Di ako sigurado sa mga bagay na ginagawa ng basong iyan subalit, ng mapasaakin yan noong ako ay halos kasing edad mo eh madami na akong.............
“These roses died, three days since
Black roses died, we said goodbye
These roses died, three days since
I'm sorry, I miss you”
Tumunog ang cellphone ni lola.. “Seven Black Roses” ng Chicosci ang ring tone nito..
Tumatawag pla ang ama ni Tasyo. Nguit tinapos muna ni lola ang pakikinig ring tone bago nya ito sagutin. Kukuhanin na sana ni Tasyo ang cellphone subait tumanggi ang matanda na sagutin ito agad. Tapusin daw muna ang kanta bago nya ito sagutin.
“Hello, inang..”
“Oh? kamusta na ang benta nyo?”
Habang nag-uusap ang mag ina sa cellphone, pinag masdan ni Tasyo ang sinaunang baso na pamana ng mga ninuno pa nya sa kanyang lola. Sinusuri niya itong mabuti sapagkat ngayon lang siya nakakita ng ganitong uri ng baso na ayon sa lola nya ay napakahiwaga.
Matapos ang makipag usap si lola sa cellphone, sinabi niya sa kanyang apo na ipapasa na nya ang basong iyon sa kanya. Tuwang tuwa si Tasyo na parang ngayon lang nakakita ng baso sa sobrang pagkamangha dito.
“Maraming salamat inang!” ang sabi ni tasyo habang tumatalon talon sa pa sa tuwa.
“Basta ingatan mo yan! mas matanda pa yan sa iyong ama...” sagot ng lola.
“Oho inang!salamat po ulit!”
Nagtungo na sa kwarto si Tasyo dala-dala ang basong pula. Ipinatong ito sa kama at magdamag na tinititigan ni Tasyo. Tila naghihintay siya na may gawing himala ang baso sa harap nya. Gabi na noon ng makatulog na si Tasyo na katabi ang basong pula. Napagod na yata sa kakatitig at kakapunas ng baso sabay asa na may isang parang genie ang magpakita sa kanya.
Kinaumagahan, namng magising si Tasyo, nakrinig siya ng kung anong boses na nagsasalita ng marahan. “Tasyo,.. Bangon ka na.. Kaumain ka na ng umagahan mo..”
Biglang nagising si Tasyo ng marinig niya ito. Gulat na gulat sa pagaakala niya na kinausap siya ng basong pula. Nanay pala niya iyon,.. kakauwi lang mula sa Maynila.. Tuwang- tuwa si Tasyo ng makita niya ang kanyang ina.. “Akala ko po ba sa isang linggo pa ang uwi ninyo” Ang tanong ni Tasyo.
“Hindi pa namin naubos ang mga panindang walis, kaya babalik pa kami sa isang araw sa Maynila. Umuwi lang muna kami dahil sabi sa amin ng lola mo ay lungkot na lungkot ka raw ng malaman na matagal pa kami uuwi.”
Ngumiti si Tasyo at niyakap ang kanyang ina. Pansamantalang nawala sa isipan niya ang basong pamana sa kanya ng lola nya.
“O sya, sya,.. bumangon ka na at maghanda para sa umagahan..”
Agad na bumangon si Tasyo upang magbihis at magmumog. Naalala na naman niya ang pulang baso.. Bigla niyang naisip ang mga nangyari.
“Hindi kaya gawa ito ng pulang baso kaya't umuwi na sina nanay at tatay?”
Nagtungo na si Tasyo sa hapag kainan. Doon, nakaupo narin ang kanyang lola at mga magulang na naghihintay kay Tasyo upang umupo at kumain. Simula nang araw na iyon ay lagi na ring kgamit-gamit ni Tasyo ang basong pula na pamana sakanya.
Simula ng ibigay ito sa kanya ng lola nya ay di na ito naalis sa kamay ni Tasyo. Paulit-ulit ng paulit-ulit niya itong kinikiskis ng kamay na halos mawala na ang pulang kulay ng baso. Araw-araw, ay hawak hawak ito ni Tasyo na sa tuwing makikita siya ng kanyang lola ay napapangiti na lang ito.
Ang bata nga naman, pag nagustuhan at naintriga, hindi titigilan hanggat hindi nakikita ang gustong makita.
Isang araw ay pinuntahan ni Tasyo ang kanyang lola habang nagwawalis sa kusina.
“Inang, kailan ko ho ba makikita yung sinasabi ninyong mahika na taglay ng basong ito?”
“Apo, malalaman mp rin ang sikreto ng baso na yan pagdating ng tamang panahon.”
“Bkt po inang? Ano po ba ang meron sa baso na ito??” Ang tanong ni Tasyo na halos gustong-gusto nang malaman ang nagagawang hiwaga ng basong pula.
“Pag sinabi ko sa iyo ngayon ay baka mawalan ka na ng interes pag nalaman mo agad. Kaya mas mabuti pang hintayin mo nalang ang tamang panahon upang ikaw mismo ang makadiskubre ng kung ano ang meron sa basong pula na yan.”
“Pero inang,......” Ang paluhang sabi ni Tasyo.
Ilang linggo narin ang nakalipas simula ng matanggap ni Tasyo ang baso subalit, hanggang ngayon ay di parin niya nakikita hiwaga na sinasabi ng lola nya sa kanya.
Isang gabi, nadatnan ng mga magulang ni Tasyo si Tasyo na nakasubsob sa lamesa habang tinititigan ang basong pula. Lumapit kay Tasyo ang tatay niya. Nagmano si Tasyo sabay balik sa pagkakasubsob sa lamesa.
“Nak, anong pinagkakaabalahan mo?” Ang tanong ng kanyang tatay na tila di malaman ang reaksyon sa kanyang mukha.
“Kc ito pong basong pula na bigay sakin ni inang, sabi nya malalaman ko daw ang hiwaga nito pagdating ng tamang panahon. Pero tay, ang tagal naman!”
Tumayo ang tatay ni Tasyo kasama ang kanyang anak. Nagtungo sila kay inang na kasalukuyang nanonood ng pinakaaabangang “movie marathon” ni Nora Aunor sa telebisyon. Maghapon daw iyon kaya't umaga pa lang ay luto narin ang hapunan nila. “Si lola talaga, hanggang ngayon ay parang bata parin.” Ang patawang sabi ng tatay ni Tasyo habang sila'y naglalakad patungo kay inang.
Nilapitan ng ama ni Tasyo si inang, noong una ay ayaw pang magpaistorbo. hintayin daw na magpatalastas bago siya kausapin.
“kung nagugutom kayo, mauna na kayong kumain. Buksan nyo nalang ang “prigider” at makikita nyo doon ang niluto kong mgapagkain. Hanggang hapunan na yan kaya di nyo na ko kailangang tawagin para magluto.”
“...pero nay,..” ang sabi ng ama ni Tasyo..
“shhhh...”
“These roses died, three days since
Black roses died, we said goodbye
These roses died, three days since
I'm sorry, I miss you”
biglang nagring ang cellphone ni lola. “Sasagutin ko na ho ba?” Ang tanong ni Tasyo.
“Hwag! Tapusin mo muna ang kanta bago mo sagutin!” Ang sabi ni lola habang unti-unting hinihinaan ang volume ng telebisyon.
Sa wakas.. Patalastas na! Pwede nang magtanong kay lola.
“Oh, ano ba ang tanong ninyong mag ama? Bilisan ninyo at 2 lang ang patalastas nito.
Ayan,.. Isa nalang,..”
“Nay”, ang sabi ng tatay ni Tasyo,..
“Pati ba naman si Tasyo ay kinuwentuhan nyo din ng mga kathang isip nyo? Inulit nyo pa ang kwento ng basong pula..nakakaawa naman ang bata.. magdamag ng nagkikiskis ng baso..”
Di na nakaimik si lola sa nasabi ng kanyang anak, di dahil sa sinabi ng tatay ni Tasyo kundi simula na ulit ang “movie marathon”. Napangiti na lamang ang matanda habang nilalaksan ang volume ng telebisyon.
“Tay, paki-kiskis naman ng baso oh.. baka sakaling sa inyo sumunod.. Ayaw kc pag ako ang kumikiskis eh..” Ang pakiusap ni Tasyo sa kanyang anak..
“Nak, di mo ba narinig ang usapan namin ng lola mo?” Tanong ng tatay nya.
“Hindi po, tinatapos ko po kc ung kanta ng cellphone ni lola eh tpos tsaka ko lang sinagot. kinausap ko pa po kc yung tumawag kay lola, sabi nya, naka-kulay green na polo daw siya bukas. Doon daw sila magkita sa Manggahan ng alas tres. muah muah daw.”
“Tay, ano po yung muah, muah??” Ang mausisang tanong ni Tasyo.
By: Patricia V. Aquino
Ab communication 2-1
Tuesday, July 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment