- Bakit sa gabi lang may nagtitinda ng balot?
- Kung balot ay tinitinda sa gabi, bakit sa umaga rin lang tinitinda ang taho?
- Para saan ang peace sign tuwing kinukuhanan ka ng picture? Di ba kaya lang ginagawa ang peace sign eh dahil sa baka makapikon ka ng tao o kahit anong negatibo mang maidudulot sa iba?
- kung ganun narin lang, ibig sabihin ba noon naooffend ang tao sayo pag tinitignan ka nila? napipikon? bkt? panget? wahahahha!
- Bakit ang mga Pinoy, puro gaya?
- Bakit kailangan pang tagalugin ang mga kanta ng kano gaya ng umbrella, clumsy, zombie, you look wonderful tonight, low at kung ano-ano pa. (Narinig ko yan sa isang jeep na nasakyan ko lately. Parang may isang buong compilation sya ng mga kantang tinagalog... BADUY! nakakapikon!)
- Bakit ayaw natin ng locally made na gamit? (guilty as charged.hehe)
- Pag kaya nag "psst", "hoy" at "ui" tayo pag nasa ibang bansa, malalaman kaya natin na tao ang tinatawag natin?
- Sa mga taga Iglesia ni Kristo: anong mangyayari sa inyo(physically) pag kumain kayo ng dinuguan? hehe..
- Sino ang nagimbento ng Arinola? babae kaya siya o lalaki?
- Uso pa ba ang harana ngayon?
- Tumatalon ka ba tuwing bagong taon? kung oo, tumangkad ka ba naman?
paunawa:
ang mga kanatungan na ito ay may mga halong kalokohan.
Matino pa po ang aking pagiisip. hehehe^^,
No comments:
Post a Comment