Sa tuwing tayo ay nakakaramdam ng pagkaantok, pagkabato, pagkapagod o pag tayo'y nakakakita ng himuhikab, tayo ay napapahikab din. Ano nga ba ang nasa likod ng gawaing ito? bakit tayo humihikab? at bakit nakakahawa ang paghikab? Ano ang dahilan kung bakit tayo humihikab?
Ang paghikab ay isang imboulntaryo na gawain na kung saan ito'y hindi natin mapipigilan o makokontrol. Ang lahat ng tao ay humihikab, kahit ang mga hayop ay humihikab din. Sinasabing kahit ang mga batang nasa loob pa lamang ng sinapupunan ng magulang partikular sa mga sanggol na 11 linggo na ay nakakahikab na rin. At mas madalas daw na humihikab ang mga lalaki dahil sa mas marami silang muscles sa katawan na nangangailangan ng oxygen(Walter Smitson, propesor ng psychiatry and director of the Central Clinic, Department of Psychiatry, University of Cincinnati Medical Center). Ang pagtibok ng ating puso ay bumubilis ng 30% sa tuwing tayo ay humihikab. At ang normal na paghikab ay tumatagal lamang ng 6 na segundo. Sa tuwing tayo ay nakakaramdam ng pagkapagod o pagkabagot, ang ating paghinga ay nagiging iba sa ating normal na paghinga. Ito ay mas mabagal kaysa sa normal kaya naman ito ay nagdudulot ng pagkabawas o pagkakulang ng oxygen sa ating katawan. At sa teoryang ito, ayon naman kay Dr. George A. Bubenik, M.D., ng University of Guelph in Ontario, Canada, ang paghikab ay nakakapagpadagdag ng supply ng oxygen at nakakapagpabawas ng carbon dioxide sa ating katawan. Ngunit hindi ibig sabihin na ang paghinga ng maraming oxygen ay nakakabawas ng ating paghikab. At hindi rin ibig sabihin na ang paghinga ng maraming carbon dioxide ay makakapagpadagdag ng ating paghikab. Maaaring sa ibang tao ay insulto para sa kanila ang paghikab ng ibang tao sa harap nila, ngunit ayon sa pag aaral, ang paghikab daw ay isang manipestasyon ng paggana ng utak ng tao na nagdudulot ng paginit nito. Kaya’t sa tuwing umiinit ito ay humihikab ang tao upang mapalamig ang ating utak. Ito rin ay nangyayari dahil sa mga neurotransmitters sa ating utak na nag cocontrol sa ating emosyon, pagkagutom, mood atbp. Mas maraming supply ng mga neurotransmitters, mas madalas tayo na hihikab.
Isa pang teorya ay ang paghikab daw ay isang uri ng paguunat. Pinapataas nito ang ating blood pressure at ang bilis ng pagtibok ng ating puso habang inuunat an gating panga at ang mga muscles at joints nito. Ang Surfactant, isang mistulang langis na bumabalot sa ating baga na tumutulong sa ating paghinga at tumutulong sa pag iwas sa pagguho ng ating baga ay isang substansya na ikinakalat sa ating baga sa pamamagitan ng paghikab. Kaya't sinasabi sa teryang ito na ang pagpigil sa ating paghikab ay magdudulot ng kahirapan sa ating paghinga. Isa pang kagandahan sa paghikab ay ang pagpapalamig nito sa ating utak at ito ay ayon sa hypethesis ni Andrew C. Gallup at Gordon Gallup ng University of Albany(2007). Ito ay napatunayan nang sila ay gumawa ng isang experimento kung saan ang mga subjects ay binigyan at pinaglagay ng heat packs sa noo nila habang nanonood sila ng isang palabas ng mga taong humihikab. Ang mga subjects ay nakaramdam at nagpakita ng paghikab ng mas maraming beses kaysa sa noong sila ay naglagay naman ng cold packs sa kanilang noo. At upang maiwasan ang madalas na paghikab, ang paghinga sa pamamagitan ng ilong ay makakatulong dahil isa rin itong paraan ng pagpapalamig ng ating utak. Sinasabi rin na ang paghikab din ay nakakatulong sa regulasyon ng temperatura ng ating katawan.
Ang paghikab din daw ay nakakabagbalanse ang pressure sa ating ear drums. Nangyayari ito sa sandaling tayo ay humikab at nakarinig at naakramdam ng pagputok sa ating tenga na ang tanging taong humihikab lamang ang nakakarinig. Madalas itong mangyari pag tayo ay nasa mga lugar na matataas ang pressure gaya ng sa loob ng eroplano, sa kabundukan kapag tayo ay umaakyat at bumababa, na nagiging dahilan ng pagkatabingi ng ating ear drums sa halip na ito ay pantay o tuwid lamang.
Bakit nga ba nakakahawa ang paghikab? Kahit ang pagbabasa tungkol sa pahikab ay nakakahikab din...at 55% ng mga tao ang hihikab din makalipas ang 5 minuto matapos makakita ng ibang taong humihikab. Alam nyo ba ba ang mga bulag ay humihikab ng mas maraimng beses kapag nakakarinig ito ng audio tape ng mga humihikab? Ayon kay Catriona Morrison, isang lecturer ng sikolohiya sa University of Leeds, ang pagkahawa daw sa hikab ay isang uri ng pagpapakita ng “empathy” sa humihikab. Ibig sabihin, binibigyan nating halaga, simpatya o pag intindi ang nararamdaman ng isang humihikab na tao. Sa isang siyentipikong pagpapakahulgan, ang dahilan ng pagkahawa sa paghikab ay ang “mirror neurons”. Ang mirror neurons ay ang ating ginagamit sa paggaya sa gawain at ginagawa ng iba at sa pagkatuto o pagaaral ng mga lenggwahe. Ang hikab din daw ayon sa mga pagaaral ay isang uri ng “herd instinct” kung saan sa isang grupo ng mga hayop, ang paghikab ay isang paraan ng pagkakaisa sa nararamdaman nila gaya ng paghikab ng isang hayop sa harap ng kaniyang mga kasama upang maiparating niya sa iba ang pagkapagod na nararamdaman niya. Sa ganitong paraan, ang kanyang mga kasama ay hihikab din at makikiayon sa kanyang nararamdaman. Ayon din kay Gordon Gallup, ang nagsabing ang pagkihab ay isang paraan ng pagpapalamig ng utak, ang paghikab daw ay maaaring nagsimula sa nakaraan kung saan ang paghikab daw ay isang uri ng mensahe na may kaaway na paparating o may masamang mangyayari.
Ang paghikab sa mga hayop ay may iba-ibang gamit sa pakikipagkomunikasyon. Para sa mga Baboons, ito ay ginagawa upang takutin ang kanyang mga kaaway at inilalabas nya ang kanyang ngipin. Para naman sa mga Siamese Fighting Fish, hihikab lamang sila pag sila’y nakakita ng kanilang kaparehong lahi at minsan ay may kasama pang pag atake sa kanila. Ang mga Guinea Pigs naman, ang paghikab ay isang paraan ng pagpapakita ng kanilang galit at pagiging superyor. Sa mga Adelie Penguins, ang paghikab ay isang paraan ng panliligaw. Sa mga tao naman, ayon kay Walter Smitson isang propesor at dirktor ng Central Clinic, Department of Psychiatry, University of Cincinnati Medical Center, ang paghikab ay maaaring magpahayag ng di berbal na mensahe sa ating mga kasama o kausap. Humihikab din tayo kapag tayo ay nakakaramdam ng mga matitinding emosyon.
Ngunit kung may kagawian ang paghikab, mayroon din naming mga paniniwala tungkol dito. Sa mga Griego, ang paghikab daw ay hindi idinudulot ng pagkabagot kundi ito daw ay nangyayari dahil ang kaluluwa daw ng isang tao ay tumatakas sa ating katawan upang sumama sa mga panginoon sa langit. Ang iba pang paniniwala sa paghikab ay kapag hindi daw tinakluban an gating bibig sa paghikab ay maaaring pasukan ito ng demonyo at nakawin ang kaluluwa ng humihikab. Sa sinaunang sibilisasyon sa Maya, ang paghikab naman ay isang uri ng pagpapakita ng “subconscious sexual desires.” Sa Latin America, sa Kanlurang Asya, at sa Central Africa, ang paghikab daw ay isang produkto na may ibang nakakaalala sayo o ikaw ay pinaguusapan.
May mga masama ring naidudulot ang sobrang pahikab, at ito ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng vasovagal reaction na nagdudulot ng pagbagal ng pagtibok ng puso. Bababa ang blood pressure ngisang tao at mababawasan ang pagsupply ng dugo at sa halip na ang dugo ay magpunta sa sa ulo ay magpupunta ito sa mga binti. Isa pang karamdaman na maaaring maidulot ng labis na paghikab ay ang Aoritic Aneurism dahilan sa pagkakaroon ng highblood pressure at atherosclerosis o ang pagtigas ng arteries. Maaari itong mangyari sa dibdib at sa puson ng taong may karamdaman. Ito ay nangyayari kapag nagkaroon ng punit ang aorta at sa paglaki ng punit na ito ay ang part eng aorta na kung saan hindi dumadaloy ang dudo ay mapupuno at maaaring maitulak ang mga sanga ng ng aorta. Maituturing na sintomas sa mga karamdamang nabanggit ay ang labis na paghikab kasabay ang labis na pagtulog sa umaga.
Sanggunian:
http://www.medterms.com/script/main/art.asp?articlekey=7713
http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/003096.htm
http://www.msnbc.msn.com/id/3076713
http://www.medterms.com/script/main/art.asp?articlekey=7713
http://www.kidshealth.org/kid/talk/qa/yawn.html
http://www.uc.edu/news/ebriefs/yawn.htm
No comments:
Post a Comment