Wednesday, July 9, 2008

Anong dapat kong gawin??

Malamig... madilim at wala akong makita.... kahit kaunting liwanag ay wala akong maaninag.... malakas ang hangin sa labas ng bahay... ang bagyo ay patuloy parin sa pananalasa,... tiniis ko ang lamig na dulot ng panahon... ninais kong lumabas ng silid ngunit di ko magawa... ginapang ko na ang bawat sulok... subalit wala akong makita... anong oras na ba?? gaano na ba ako katagal na nakakulong sa mga sulok ng silid na ito? madilim at malamig... tila lahat ng aking kalamnan ay naninigas sa lamig at nangangatal sa gutom... nanlalambot na ako... nawawalan narin ako ng pag asa... sa tantya ko ay halos magdadalawang oras narin akong naandito...

ano ba ang dapat kong gawin? nagkakainan na ang sikmura ko.. ni hindi ko magawang makatulog sa gutom na nararamdaman ko... wala parin akong maaninag na ilaw... ano na ang mangyayari sa akin??

ginapang ko ulit ang buong silid at hinanap ang bagay na makapagpapalaya sa akin sa pagkakakulong ko dito sa malamig at napakadilim na lugar..

nais kong humingi ng saklolo subalit walang makakarinig sa akin... natatalo ng hangin at lakas ng ulan ang boses kong malumay... wala na akong pag asa... wala narin akong magagawa kundi maghintay hanggang sa magliwanag...

walang kasiguraduhan ang aking kaligtasan kung ako ay lalabas sa pintuan.. nasa ikalawang palapag ako at di ko saulo ang daan.. maaaring mahulog sa hagdan kung ako'y magbabalak na umalis sa silid..

matagal na oras pa hanggang sa magliwanag.. kumakalam na ang aking sikmura.. nanlalamig ang aking mga kalamnan... at hanggang ngayon ay di ko parin makita ng tanging bagay na makakatulong sa akin sa paglabas ng silid.. isang bagay na pati lamig na aking nararamdaman ay mababawasan... malaking bagay ang maidudulot nito sa aking paglabas sa silid..

hinihintay ko na magliwanag.. subalit wala na kong pag asa... pinipilit kong matulog.. pero di ko magawang gawin.. gutom na ako.. nilalamig din ako...


makalipas ang napakahabang oras.. sa wakas! lumiwanag nrn!pero di ko parin makita ang tanging bagay na makakapagpalabas sa akin sa silid.. hinanap ko... bawat sulok... hinalughog... “KASALANAN KO ITO! masyado akong naging pabaya!” ayan ang sabi ko sa sarili ko..


pagdating ko sa pintuan, laking gulat ko ng makita ko ang aking hinahanap!

ang nawawala kong SAPATOS! sa wakas at nakita ko na! “MAKAKALABAS NA KO NG SILID NA ITO!” ang sinabi ko sa sarili ko.. SALAMAT SA KURYENTE!

makakatulong ang sapatos na ito sa pagpapawi ng kahit konting lamig na aking nararamdaman! Makakalabas nrn ako ng silid upang makabili ng makakain! SALAMAT NAMAN!

laking ginhawa ko ng ito'y aking makita.. ngayon,.. ang aking kalamnan ay mapupunan na ng pagkain.. ilang oras din akong nakulong sa malamig na silid na iyon!

umuulan parin.. pero,.. makakaalis na ako ng maayos gmait ang sapatos kong kanina lamang ay nawawala... salamat sa KURYENTE!


By: Patricia V. Aquino

No comments: